“Ang gagaling ng mga Pilipino”,wika ng ibang mga dayuhan.Tila namamangha sa angking katalinuhan at kagalingan ng bawat Pilipino. Ngunit nagmistuan silang bulag sa kanilang mga sinasabi.Bulag sila sa katotohanang hindi lahat ng Pilipino ay nakapagtapos at nakapag-aral man lamang.Hindi nila nakita ang kalagayan ng ibang mga Pilipino na naghihirap at wala man lang alam kahit na kakarampot lamang. Subalit ano nga ba ang magagawa mo upang maibsan ang paghihirap ng bawat Pilipino? Kailangan nga ba ang karunugan upang makaahon sa kahirapan?
Maraming dayuhan ang nagsasabing matatalino at magagaling ang mga Pilipino.Ngunit sila ay nagkamali.Hindi lahat ng Pilipino ay magaling. Hindi lahat ng tao ay talentado. At higit sa lahat,hindi lahat ng tao ay perpekto..Meron mga Pilipino ang hindi napagbigyang makapagtapos o makapag-aral man lamang.May mga taong nakatambay lamang at nagbabakasakaling mabigyan ng opur-tunidad na makapag-aral ng maayos.Hidi lahat ngtao ay pinapalad Hindi lahat ng Pilipino ay pinapalad.Hindi lahat ng tao ay katulad ni Manny Pacquiao na nanggaling sa mahirap tungo sa rurok ng tagumpay.
Sa panahon ngayon,naghihirap ang ating bansa. Pinagdadaanan nito ang mga mabibigat na suliranin tulad ng kahirapan,kagutuman at pagkakabaon sa utang .Maraming Pilipino ang walang permanenteng tahanan.Ang ibang Pinoy ay naninirahan sa mga ilalim ng tulay at gilid ng estero. Ang iba ay humahanap ng maayos na hanap-buhay.Ngunit ang iba ay nabigo lamang dahil sa kadahilanang di nakapagtapos ng pag-aaral.Ngunit ang iba ay di nagpatalo.Nagtyaga pa rin sila upang kumita lamang.Kahit anong trabaho ay kanilang sinuong upang may maitustos lamamg sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan .Hindi sila nagalinlangan na tanggapin ang trabahong ibibigay sa kanila .Ngunit sa kahirapang kanilang tinatamasa,karunungan lang ang tanging solusyon.Ito ang nagsisilbing sandata at proteksyon natin laban sa kahirapan.Kaya nitong sugpuin ang kahit anong kahirapang darating sa atin.Hindi natin kailangan ng kahit anong material na bagay.
Ang karunungan ay hindi lamang basta dumarating sa atin.Kailangan nati itong pagsikapan.Dahil ito lamamng ang alas natin laban sa kahirapan.Tulad nga ng aking nasabi,di lahat ng tao ay katulad ni Manny Pacquiao.Ngunit ang kahit anong swerte sa buhay ay di matutumbasan ang karunungan. Tila ba ito ang liwqanag na magliligtas sa atin sa dilim.Hindi lahat ng tao ay matalino ngunit kung magsisikap,gagaling.Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa bawat tao ay may makakasalubong tayong taong magtuturo sa atin tulad ng guro..Maaari din tayong tulungan ng libro at maging ang makabagong pamamaraan tulad ng “internet”.At kapag dumating na ito sa atin,panahon na natin upang ituro an gating nalalaman.”kaya’t halina’t turuannatin sila,upang makaahon sa kahirapan!”
No comments:
Post a Comment